Posted at 10:28 AM
Pagpatak ng alas-otso,
Kumpleto na ang bilang ng mga empleyado.
Simula na ng salit-salit na kwento
Pag-upo sa kani-kanilang trono.
Nagkakaingay na sa opisina,
Kanya-kanyang buhat ng silya.
Walang tigil na salitaan,
Na nakakarindi ng pakinggan.
Mula sa kwento ng kanyang buhay,
Hanggang sa peluka ng kapit-bahay.
Kwentong para sa iba’y walang kwenta
Sa tsismis lahat ay walang kawala.
Pati pustiso ni aling tinay,
Hanggang sa nilalanggam na monay,
Ay talaga namang di pinaligtas
Ng makating dila nitong aking mga kaopisina.
Hay salamat, alas singko na,
Makakapagpahinga na rin itong tenga.
Bukas ay panibagong araw ng pagdurusa
Buong araw na tsismis ay inaasahan ko na.
Haaayyy…..
Comment





