Posted at 11:04 AM
Habang hinihimay ko
Ang pumapaimbabaw na usok,
Nilalanghap ang bango
Nitong tangan kong kabuuan mo.
Mapupungay na mga mata,
Malamlam na haplos ng umaga,
Heto't kaulayaw ng dilim ang lamig
Habang mga labi nati'y nagniniig.
Nagtatanong ang karimlan,
Masusukat nga ba ang kaligayahan?
Ang tugon ng kamalayan,
Hindi giliw, bagkus nalalasap.
Kayat sa muling pagsapit ng gabing malamig
At pagdungaw ng nagbabagang umaga,
Muling lalasapin itong sarap na walang kawala,
Ang hagod ng isang tasang kapeng tanging ligaya.
Haaaay.... tara ng magkape!
1 comments






lady_aie