Posted at 09:00 PM
Ubos na ang pasensya
Said na ang dugo.
Patid na ang pisi, at
Sasabog na ang dibdib.
Sobra na talaga...
Di na kaya.
Sagad na sa buto
pangaabuso'y tigilan mo na.
Maawa ka naman
Si Juan, nakasubsub na.
Gumagapang na sa hirap.
Tinapakan mo na
Dinikdik mo pa.
Wala ka talagang awa.
Hayup ka!
Comment





