Posted at 05:50 AM
Isang luhaang kaluluwa
Ang dito'y naligaw.
Kaligayahan ang dito
Ay pilit tinatanaw.
Ang pagkakamali niya
Ay buong-buong umaasa.
Sa mga pangakong binitiwan
Nitong mapagpanggap na binata.
Pagkakamali nga ba
Ang umibig sa kanya?
Panibugho nga lang kaya
Ay sa kanya'y mapapala?
Pagibig ko nga kaya
Ay tulad ng ibon sa parang.
Umaasang makakita
Ng punong pagkakanlungan.
Comment





