Posted at 09:17 PM
Nagmula sa kailaliman,
Hinalukay ang karimlan,
Binulabog ang katahimikan,
Ikinubli sa likod ng buwan.
Hinugot ang buntong hininga,
Pinagtapi-tagping ala-ala,
Nagkautal-utal ang dila,
Pilit sinasambit ang mga kataga.
Nagbabaga na ang mga labi,
Namumukadkad ang mga ngiti,
Nagpupumiglas na damdamin,
Naghuhimiyaw at nakabinbin.
Ano at kayhirap bigkasin
Nitong simpleng katagang kimkim.
Comment





