Posted at 08:55 PM
Ikaw ay isa na lamang
Sa buhay ay isang sayang.
Bahagi ng nakaraan
Na dapat ng kalimutan.
Isang kahapong nagbalik
Upang muling magpaalam.
At manghinayang na muli
Sa pagkakataong sinayang.
Ang muling pagtatapo
Ay hindi nagkataon lamang.
Ito'y itinakda ng panahong
Noo'y pinagkait ng tadhana.
Upang bigyang laya
damdaming nakagapos sa nakaraan.
Upang muling tumibok
At mabuhay sa kasalukuyan.
At tuluyang magpaalam
sa kahapong nagdaan.
Comment





